MEXICO, GRAND CHAMPION SA PROBINSYA!
Personal na binati ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang Child Development Workers (CDWs) ng Bayan ng Mexico matapos silang tanghaling Grand Champion sa Zumba Dance Competition na bahagi ng Provincial General Assembly of Child Development Workers 2026 na ginanap sa Bren Z. Guiao Convention Center sa City of San Fernando, Pampanga.
Sa kanilang pagbisita sa tanggapan ng alkalde, pinuri ni Mayor Ruding ang ipinakitang husay, disiplina, at pagkakaisa ng grupo na nagdala ng karangalan at pagkilala sa Bayan ng Mexico sa antas panlalawigan.
Ipinahayag din ng alkalde ang kanyang patuloy na suporta sa mga Child Development Workers at pasasalamat sa kanilang dedikasyon hindi lamang sa kompetisyon kundi maging sa kanilang mahalagang tungkulin sa paghubog at pag-aalaga sa mga batang Mexicano.
Patunay ang kanilang tagumpay na sa pamamagitan ng pagkakaisa, sipag, at malasakit, patuloy na nakakamit ng Bayan ng Mexico ang mga karangalang nagbibigay ng inspirasyon at pagmamalaki sa buong komunidad.
#RSGCares
#BayungMexico
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1E6ReXvZnh/


