Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

MEXICO INTERCHANGE MASTERPLAN, INAASAHANG MAGPAPASIGLA SA NEGOSYO

August 7, 2026
Pabor si Pampanga urban planner at business leader Ar. Nestor Mangio sa masterplan para sa pagpapaunlad ng mga connecting road patungo sa business district, industrial zones, at residential areas ng Mexico, Pampanga.
Tinalakay ang plano sa pagpupulong ng Mexico LGU at NLEX Corporation bilang bahagi ng pagpapabuti ng road connectivity sa paligid ng NLEX Mexico Interchange. Ayon kay Mangio, ang mas maayos na access at transport network ay magpapalakas ng kumpiyansa ng mga investor at magpapabilis sa pagpasok ng mga bagong negosyo sa bayan.
Ayon naman kay Engr. Alfie G. Lejarde, Officer-in-Charge District Engineer ng DPWH Pampanga 1st District Engineering Office, nakalaan na sa Fiscal Year 2027 ang pondo para sa humigit-kumulang 120 meter gap section sa San Fernando side hanggang sa boundary ng NLEX.
Ang panukalang bagong NLEX toll exit ay idinisenyo bilang full diamond interchang at naendorso na sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) Program. Gayunman, maaari pang umabot ng humigit-kumulang dalawang taon bago ito masimulan.
Pinag-aaralan din ang pagbubukas ng bagong kalsada sa Mexico side ng NLEX upang magkaroon ng direct access sa itatayong ospital at maikonekta ang interchange sa kasalukuyang barangay road network. | via Paulo Gee Santos, CLTV36 News

Click here: https://www.facebook.com/share/p/1D3RsXBL7d/

Skip to content