Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time: 16 July 2024, 11:27 PM

Mga BakuNanays, PapaVaccines at Bakuna Guardians

April 12, 2023

ALAM NIYO BA NA MAY NAGBABANTANG OUTBREAK SA MEASLES, RUBELLA AT POLIO?
Dahil dito, sigurado na ba tayo na ANG MGA ANAK NATIN AY CHIKITING LIGTAS NGAYONG 2023?
Protektahan natin sabay-sabay ang ating mga chikiting mula edad 0 hanggang 4 years at 11 months old kontra polio at 9 months hanggang 4 years at 11 months kontra rubella at tigdas.
Dalhin sila sa pinakamalapit na barangay health center o itinalagang vaccination sites sa ating barangay o di kaya naman ay patuluyin ang team ng mga nurse at midwife na magbabakuna sa inyong mga tahanan.
#HealthyPampanga
#HealthyPilipinas
DISCLAIMER: We hereby declare that we do not own the rights to the music/song of the video. All rights belong to the owner. No Copyright Infringement Intended.

 

Skip to content