Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

Mga Latin Honors Awardees, Tumanggap ng Cash Incentive mula sa Lokal na Pamahalaan ng Mexico

June 23, 2026
Personal na tinanggap nina Aaron Jacob C. Dizon (Cum Laude), Ciela Mei M. Tongol (Magna Cum Laude), at Vincent A. Muñoz (Magna Cum Laude) ang kanilang cash incentive mula sa Lokal na Pamahalaan ng Mexico bilang pagkilala sa kanilang natatanging tagumpay sa pag-aaral.
Nakatanggap ng ₱5,000 ang bawat Magna Cum Laude at ₱3,000 naman ang Cum Laude, na personal na iniabot ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales.
Ang programang ito ay patunay ng patuloy na suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico sa mga mag-aaral na nagsusumikap at nagtatagumpay sa kanilang pag-aaral. Naisakatuparan ito sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Executive Department sa pangunguna ni Mayor Ruding at ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Doc Pangan kasama ang mga miyembro nito, para kilalanin at hikayatin ang kahusayan ng kabataang Mexicano.
Skip to content