Mga School Heads, Bumati kay Mayor Ruding at Tinalakay ang mga Programang Pang-edukasyon
June 23, 2026
Bilang pahabol sa kanyang ika-60 kaarawan nitong June 20, 2026, personal na binati ng mga school heads mula sa mga pampublikong mataas na paaralan sa Bayan ng Mexico si Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales sa kanilang pagbisita ngayong Lunes, June 22, 2026.
Kabilang sa mga bumisita sina Mr. Joel Cadiang ng Diosdado Macapagal High School; Mrs. Dolores Pelayo at Mrs. Sally Calalang ng Mexico National High School; Mrs. Ruby Rosa Sagum ng Don Jesus Gonzales High School; Mr. Narciso Mendiola ng Nicanor David High School; Mr. Naszer Yco ng San Juan High School; Mr. Javier Galang ng Malino National High School; at Mr. Rolando Zapata ng Gerry Rodriguez High School.
Bukod sa pagbati, naging makabuluhan rin ang kanilang pagpupulong kung saan tinalakay ang mga posibleng programa at inisyatibang maaaring maisakatuparan upang higit na masuportahan ang mga mag-aaral sa pampublikong mataas na paaralan sa bayan.
Muling pinagtibay sa nasabing talakayan ang matibay na paninindigan ni Mayor Ruding na gawing prayoridad ang sektor ng edukasyon at tiyaking may sapat na suporta ang mga kabataang Mexicano upang maabot ang kanilang mga pangarap.
Nagpasalamat naman si Mayor Ruding sa patuloy na pakikiisa ng mga school heads at mga tagapagturo sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon para sa bawat mag-aaral sa Bayan ng Mexico.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1GJyKE2zqx/




