MGA SCHOOL HEADS NG MEXICO NORTH DISTRICT, NAG-COURTESY VISIT KAY MAYOR RUDING; PINATIBAY ANG PATULOY NA SUPORTA SA EDUKASYON
July 16, 2026
Nagbigay ng courtesy visit kay Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang mga school heads ng Mexico North District sa pangunguna ni Public Schools District Supervisor (PSDS) Alvin G. Gozun, ang bagong talagang PSDS ng distrito na isang Mexicano.
Sa naturang pagbisita, ilang school heads ang nanumpa sa harap ni Mayor Ruding bilang bahagi ng kanilang panunumpa sa tungkulin, bilang patunay ng kanilang dedikasyon sa patuloy na paglilingkod para sa dekalidad na edukasyon sa bayan.
Nagpahayag din ng taos-pusong pasasalamat ang mga school heads sa mga proyektong naipagkaloob ng Lokal na Pamahalaan sa kani-kanilang mga paaralan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Ruding. Ayon sa kanila, malaki ang naitutulong ng mga programang ito sa pagpapabuti ng pasilidad at sa mas maayos na kapaligiran ng pagkatuto para sa mga mag-aaral.
Sa kanyang mensahe, muling tiniyak ni Mayor Ruding ang kanyang buong suporta sa sektor ng edukasyon. Binigyang-diin niyang mananatiling prayoridad ng kanyang administrasyon ang kapakanan ng mga paaralan, mga guro, at higit sa lahat, ng bawat kabataang Mexicano.
Sa pakikipagtulungan ni Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan at ng buong Sangguniang Bayan, inaasahan ang patuloy na pagpapatupad ng mga programa at proyektong magpapalakas sa sektor ng edukasyon, bilang bahagi ng layunin ng administrasyong Bayung Mexico na makapaghatid ng mas maayos at mas dekalidad na serbisyong pang-edukasyon para sa bawat Mexicano.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1cUNdvV2pT/


