Sa ngalan ni Mayor Ruding Santos Gonzales at ng Municipality of Mexico Pampanga, lubos pong ipinapaabot ng Mexico Arts, Culture and Tourism Office ang mainit na pagbati sa mga Mexicano na pinarangalan sa Most Outstanding Kapampangan Awards 2025, na ginanap sa Kingsborough International Convention Center sa mismong selebrasyon ng ika-454 Araw ng Pampanga na may temang “Lugud, Dangal at Pamana da reng Kapampangan.”
Isang mataas na parangal para kay Ms. Lany L. Manaloto, RM, BSM, mula sa Barangay Pangatlan, bilang nagkamit ng pagkilala sa larangan ng Government Service.
Ipinagmamalaki rin natin ang Band 94 Pandacaqui mula Barangay Pandacaqui, na nagwagi sa Institutional Category for Performing Arts at nagdala ng karangalan sa ating bayan.
Maraming salamat sa inyong ambag, inspirasyon, at dangal na ibinibigay sa Mexico, Pampanga.
Mabuhay po kayong lahat!



CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1H5Eq54zx8/