Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

MULA 4,228 NOONG 2024 , UMABOT SA 5,940 ANG BENEPISYARO NG COLLEGE EDUCATIONAL ASSISTANCE NGAYONG 2025

December 22, 2025

MEXICO, Pampanga — Matagumpay na naisagawa kahapon, Disyembre 21 (Linggo), ang College Educational Assistance payout para sa Batch 3 at Batch 4, kung saan libo-libong kabataang Mexicano ang tumanggap ng tulong-pinansyal bilang suporta sa kanilang pag-aaral.

Sa umaga, 1,158 na estudyante ang nakatanggap ng educational assistance sa payout para sa Batch 3 na ginanap sa Pandacaqui Gymnasium. Sinundan ito ng payout sa hapon para sa Batch 4 sa Mexico Mini-Convention Center, kung saan 1,554 na college students naman ang nabiyayaan ng tulong.

Samantala, nauna nang isinagawa ang payout para sa Batch 1 (1,645) at Batch 2 (1,583) nitong Disyembre 20 (Sabado). Sa kabuuan, 5,940 na estudyante mula sa iba’t ibang barangay ng Bayan ng Mexico ang matagumpay na nakatanggap ng College Educational Assistance ngayong 2025, isang malinaw na patunay ng patuloy at konkretong pagpapahalaga ng lokal na pamahalaan sa edukasyon.

Ang programang ito ay isa sa mga pangunahing prayoridad ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico sa pamumuno ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, katuwang sina Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, bilang bahagi ng adhikaing masiguro ang mas maliwanag na kinabukasan ng kabataang Mexicano.

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1Xg71Hc6Ek/

Skip to content