MUNICIPALITY OF MEXICO I MAS PINALAKAS PA NG PAMAHALAANG BAYAN NG MEXICO ANG EDUKASYON
Mas pinalalakas pa ng Pamahalaang Bayan ng Mexico ang suporta nito sa edukasyon matapos ianunsyo ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales na inaasahang aabot sa ₱25 milyon ang pondo para sa College Educational Assistance Program sa 2026, bilang hakbang upang tuluyang mapagkalooban ng tulong ang lahat ng mag-aaral sa kolehiyo sa bayan.
Ang pahayag ay kasabay ng opisyal na pagsisimula ng distributiuon ngayong araw, kung saan 1,645 na mag-aaral ang tumanggap ng kanilang educational assistance bilang bahagi ng Batch 1 ng programa. Pinangunahan ni Mayor Gonzales ang payout kasama si Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Ayon kay Mayor Gonzales, malinaw daw na patuloy ang pagpapalawak ng programa, kung saan mula sa 4,228 benepisyaryo noong 2024, ay umakyat ito sa 5,940 ngayong taon matapos itaas ng administrasyon katuwang ang Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Pangan ang pondo mula ₱11 milyon na umabot sa ₱15 milyon.
Nakatakdang namang tumanggap ng kanilang financial assistance ang mga susunod na batch ng scholar hanggang sa Linggo, December 21, 2025. | via: 𝑃𝑀
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/17nbrod7Fk/
Latest Stories
𝗔𝗚𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗗𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗡 𝗟𝗢𝗥𝗘𝗡𝗭𝗢