Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

We provided a little assistance to our fellow Mexicanos who are currently staying at the Mexico Mini Convention Center.

August 30, 2026
Naghatid po tayo ng kaunting tulong sa ating mga kababayang Mexicanos na kasalukuyang nananatili sa Mexico Mini Convention Center.
Namahagi po tayo ng food packs, boiled eggs, at bottled water bilang munting suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan habang sila ay nasa evacuation center.
Sa mga may kakayahang magbahagi ng tulong para sa ating mga kababayang Mexicanos na kasalukuyang nasa evacuation centers, malaking tulong po ang mga sumusunod:
• Hot meals (Lutong pagkain)
• Drinking water (Inuming tubig)
• Blankets (Kumot)
• Sleeping mats (Banig)
• Iba pang pangunahing pangangailangan
Kumakatok po kami sa inyong mga puso para sa ating mga kababayang nangangailangan. Anumang tulong, gaano man kaliit, ay malaking bagay para sa ating mga evacuees. Sa mga nais pong magpaabot ng tulong, maaari po kayong makipag-ugnayan sa ating page, MSWDO, o MDDRMO.
Munting tulong, malaking ginhawa para sa ating mga kababayang Mexicanos na apektado ng kalamidad. 🙏🏼

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1KRpCW3VYN/

Skip to content