Nanawagan ng pag-iingat at pagiging alerto si Mexico, Mayor Ruding Gonzales sa kaniyang mga kababayan ngayong patuloy ang panahon ng tag-ulan.
Ipinayo ng alkalde sa mga residente na manatili sa loob ng kanilang mga tahanan kung hindi kinakailangang lumabas upang makaiwas sa anumang panganib.
Binigyang-diin din ni Gonzales na nakahanda ang Lokal na Pamahalaan (LGU) na magpaabot ng tulong at saklolo sa anumang uri ng kalamidad. Tiniyak niya na ang pondo ng munisipyo ay nakalaan at ginagamit para sa kapakanan at tulong-pinansyal ng mga mamamayan, lalo na sa mga panahon ng krisis at sakuna.
Click here: https://www.facebook.com/share/p/1Fepf5ZgYy/