Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time: 20 June 2024, 07:58 PM

Nakapagpatayo po ang ating Lokal na Pamahalaan ng isang DIAGNOSTIC CENTER

October 13, 2021

MAGANDANG BALITA, CABALEN! 💚
Sa pangunguna ng butihing Alkalde Teddy C. Tumang, nakapagpatayo po ang ating Lokal na Pamahalaan ng isang DIAGNOSTIC CENTER na magbibigay ng karagdagang serbisyo medikal na tumutugon sa pangangailangang pangkalusugan ng ating mga cabalen. Ito ay hihilera sa mga napagtagumpayan ng proyekto at programang pangkalusugan ng liderato ni Alkalde Teddy Tumang tulad ng Mexico Community Hospital (MCH) at ng Dialysis Center.
Sa pagpupursiging mapalawig ang mga programa, napagsumikapan ni Alkalde Tumang at ng mga kasamahang nangunguna sa MCH, ang pakikipagugnayan sa Department of Health upang tayo ay magkaroon ng isang epektibo at maayos na CT-SCAN. Ito po ay nasa Mexico Diagnostic Center na at kasalukuyan ng pinag-aaralan ang operasyon nito ng mga Radiology Technician (RadTech).
Ito ay inaasahang magkakaloob ng serbisyo sa publiko sa darating na Enero 2022.
LUID MEXICANO! LUID MEXICO!
#ProgramangPangKALUSUGAN
#HandogniMayorTeddyTumang

Skip to content