Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

NATAPOS NA: PAGPAPALALIM NG MGA DALUYAN NG TUBIG SA BRGY. SABANILLA

June 11, 2026

NATAPOS NA: PAGPAPALALIM NG MGA DALUYAN NG TUBIG SA BRGY. SABANILLA 🚜🌧️

Matagumpay nang natapos ang isinagawang paghuhukay at pagpapalalim ng mga daluyan ng tubig sa ilang bahagi ng Barangay Sabanilla na agad ipinag-utos ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales kasunod ng naranasang flash flood sa lugar dulot ng malakas na pag-ulan nitong nakaraang linggo.

Sa pamamagitan ng agarang aksyon ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico, inaasahang mas mapapabuti ang daloy ng tubig at mababawasan ang panganib ng pagbaha, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Patuloy ang Pamahalaang Bayan ng Mexico, sa pangunguna ni Mayor Ruding Gonzales, katuwang si Vice Mayor Doc Pangan at ang buong Sangguniang Bayan, sa pagpapatupad ng mga konkretong hakbang upang mapanatiling ligtas, handa, at matatag ang bawat komunidad sa Bayung Mexico.

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1H3T83qpNz/

Skip to content