NGAYON ARAW TUMANGGAP NG FINANCIAL ASSISTANCE ANG 337 NA MEXICANOS
Ngayong araw, ika-29 ng Disyembre, tumanggap ng financial assistance ang 337 na Mexicanos bilang pantustos sa kanilang pangangailangang medikal at gastusing pang-burial. Ang payout ay pinangunahan ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, katuwang ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, kabilang sina Councilor Atty. Ma. Angela Pangan at Councilor Allaine Ramos.
Ang programang ito ay bunga ng matibay na pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Ruding Gonzales at ng mga kasapi ng Sangguniang Bayan, sa pangunguna ni Vice Mayor Dr. Jonathan “Doc” R. Pangan, na may iisang layunin, ang mailapit ang tulong sa mga Mexicano na higit na nangangailangan.
Sa ilalim ng liderato ni Mayor Ruding Gonzales, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Mexico ang mga programang makatao, inklusibo, at tumutugon sa tunay na pangangailangan ng bayan. Ipinapakita ng programang ito ang isang uri ng pamumuno na hindi lamang nakatuon sa pamamahala, kundi sa malasakit, pakikipagkapwa, at agarang pagtugon sa panahon ng pagsubok.
Kaugnay nito, muling magbubukas ang aplikasyon para sa financial assistance sa unang quarter ng susunod na taon, upang mas marami pang Mexicanos ang makinabang sa serbisyong ito. Pinagtitibay nito ang paninindigan ni Mayor Ruding Gonzales na walang Mexicano ang maiiwan, at ang bawat tulong na naihahatid ay hakbang tungo sa mas maayos, mas ligtas, at mas maunlad na bayan ng Mexico.







CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1APzd1rWuW/