Ngayong araw, personal na nagpasalamat sa atin ang mga estudyante at guro mula sa Pampanga State University.
Ngayong araw, personal na nagpasalamat sa atin ang mga estudyante at guro mula sa Pampanga State University – Mexico Campus para sa mga makinang pantahi na ating ipinagkaloob. Malaki ang magiging ambag ng mga kagamitang ito sa kanilang pag-aaral sa Livelihood Education at sa paghahanda ng mga kabataan para sa kanilang kabuhayan.
Kasabay nito, kanilang ipinaabot ang kanilang kahilingan para sa ating gabay at suporta upang maging matagumpay ang mga nalalapit nilang kaganapan sa unibersidad. Tayo, kasama si Vice Mayor Dr. Jonathan Pangan, ay buong pusong inihayag ang ating suporta at pakikiisa sa kanilang mga gawain.
Dagdag pa rito, plano rin natin silang imbitahan upang maging bahagi sa susunod na pagdiriwang ng kapistahan ng Mexico bilang pagpapakita ng ating pagpapahalaga sa kabataan at sa kanilang aktibong partisipasyon sa mga aktibidad ng ating bayan.
Ang lahat ng ito ay nagsisilbing malinaw na patunay ng ating patuloy na suporta sa edukasyon at ng matibay na ugnayan ng lokal na pamahalaan at mga institusyong pang-edukasyon dito sa bayan ng Mexico.
#RSGCares
#BayungMexico
Please click link for more information:
https://www.facebook.com/share/p/19dM3QzD3x/