Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

NUNG DINAN NA KAMI PANG SIKANAN NING MAYUPAYA, PAYARI DAKO NGAN KENG KEKAYUNG PAMAGARAL , SOPAN DA KAYU – MAYOR RSG

December 21, 2025

MEXICO, Pampanga — Matagumpay na naisagawa kaninang umaga ang College Educational Assistance payout para sa Batch 3, kung saan 1,158 na estudyante ang nakatanggap ng tulong-pinansyal sa Pandacaqui Gymnasium.
Samantala, ngayong hapon ay ipagpapatuloy ang payout para sa Batch 4 sa Mexico Mini-Convention Center, kung saan 1,554 na college students naman ang inaasahang makatatanggap ng kanilang educational assistance.
Sa kabuuan, umabot na sa 5,940 na estudyante mula sa iba’t ibang barangay ng Bayan ng Mexico ang nakinabang sa College Educational Assistance Program ngayong 2025, isang malinaw na patunay ng patuloy na pagpapahalaga ng lokal na pamahalaan sa edukasyon.
Ang programang ito ay isa sa mga prayoridad ng pamahalaang bayan sa pamumuno ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, katuwang sina Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, bilang bahagi ng adhikaing mapagaan ang gastusin ng mga pamilya at masuportahan ang kinabukasan ng kabataang Mexicano.

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1G8foiC7a8/

Skip to content