Patuloy ang beautification efforts ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico sa paligid ng Municipal Hall ngayon naman sa pamamagitan ng landscaping at pagpapaganda ng lugar na kinaroroonan ng mga monumento nina Gen. Maximino Hizon at Dr. Jose Rizal.
Sa direktiba ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, isinasagawa ang proyekto upang higit na maging maayos, kaaya-aya, at karapat-dapat na pasyalan ang bahagi ng town center na nagsisilbing paalala ng mayamang kasaysayan at pagkakakilanlan ng bayan.
Ang proyektong ito ng Local Government Unit of Mexico ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng administrasyon ni Mayor Ruding na pagandahin ang mga pampublikong lugar at lumikha ng mas malinis at mas maayos na kapaligiran para sa lahat ng Mexicano.
#RSGCares
#BayungMexico
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/18JDpDzJxF/