Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

OPISYAL NA PAHAYAG

July 24, 2026
Nais naming ipabatid sa lahat na may natanggap na ulat tungkol sa isang banta na may kaugnayan sa ating paaralan. Agad itong iniulat sa Philippine National Police (PNP), Barangay, at Department of Education (DepEd) upang maisagawa ang kaukulang aksyon at masiguro ang kaligtasan ng lahat.
Bilang bahagi ng ating mga hakbang sa seguridad, pinalakas ang mga safety at security measures sa loob ng Mexico Nationak High School. Matapos ang kaukulang pagsusuri at koordinasyon sa mga kinauukulang awtoridad, magpapatuloy ang regular na klase.
Inaanyayahan namin ang lahat na manatiling kalmado at mapanuri. Huwag po tayong maniwala o magpakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon o tsismis. Para sa mga opisyal na anunsyo at update, mangyaring sundan lamang ang opisyal na komunikasyon ng paaralan.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon, pag-unawa, at patuloy na pagtitiwala habang sama-sama nating pinangangalagaan ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral at buong komunidad ng paaralan.
— Mexico NHS Administration
Skip to content