May kumakalat na maling impormasyon online na nagsasabing naipamahagi na umano ang College Educational Assistance ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico. Ito po ay HINDI TOTOO.
Nililinaw po ng Pamahalaang Bayan ng Mexico na WALA pong naganap na payout noong December 8, 2025, at sa kasalukuyan ay patuloy pang pinoproseso ang mga dokumento dahil sa mataas na bilang ng mga aplikante.
Ang mga benepisyaryong estudyante ay opisyal na aabisuhan ukol sa petsa at lugar ng payout, na iaanunsyo sa lalong madaling panahon sa ating mga official social media platforms.
Pinapayuhan po ang lahat na maging mapanuri at umiwas sa paniniwala at pagpapakalat ng fake news.
Ang Pamahalaang Bayan ng Mexico, sa pamumuno ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales at Vice Mayor Doc Pangan, ay patuloy na nakatuon sa pagbibigay ng maayos at de-kalidad na serbisyo para sa kapakanan ng mga Mexicano. Isa sa mga pangunahing prayoridad ni Mayor Ruding ang sektor ng edukasyon, bilang mahalagang puhunan sa kinabukasan ng mga kabataang Mexicano.
Maghintay lamang po ng opisyal na anunsyo. Maraming salamat po.
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1CAX46ErKK/