Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

PAALALA SA LAHAT!

August 18, 2026

Alinsunod sa Municipal Ordinance No. 030-2025, o “Updated Environmental Code of the Municipality of Mexico”, Seksyon 89 – Mga Ipinagbabawal na Gawain, Talata A:

“Pagtatapon, o pagpapahintulot na maitapon ang anumang uri ng materyal nang diretso sa mga anyong tubig o sa kahabaan ng mga pampang ng alinmang anyong tubig sa ibabaw ng lupa, kung saan ang nasabing materyal ay maaaring maanod patungo sa naturang tubig, dulot man ng bagyo, pagbaha, o iba pang dahilan, na maaaring magdulot ng polusyon sa tubig o makasagabal sa natural na daloy ng tubig.”

Parusa:

A. Para sa Sinumang Tao

  1. UNANG PAGLABAG – Pag-isyu ng Environmental Violation Ticket (EVT), multa na Tatlong Daang Piso (₱300.00) o tatlong (3) araw na community service;
  2. IKALAWANG PAGLABAG – Pag-isyu ng Environmental Violation Ticket (EVT), multa na Limang Daang Piso (₱500.00) at dalawang (2) linggong community service; at
  3. IKATLO AT MGA SUMUSUNOD NA PAGLABAG – Pag-isyu ng Environmental Violation Ticket (EVT), multa na Pitong Daang Piso (₱700.00) at isang (1) buwang community service.

B. Para sa Korporasyon, Establisment o Business Entity

  1. UNANG PAGLABAG – Pag-isyu ng Environmental Violation Ticket (EVT), multa na Isang Libo at Limang Daang Piso (₱1,500.00) at babala para sa pagsususpinde ng operasyon ng negosyo;
  2. IKALAWANG PAGLABAG – Pag-isyu ng Environmental Violation Ticket (EVT), multa na Dalawang Libong Piso (₱2,000.00), suspension ng operasyon ng negosyo sa loob ng anim (6) na buwan, at babala para sa pagpapalabas ng Closure Order; at
  3. IKATLONG PAGLABAG – Pag-isyu ng Environmental Violation Ticket (EVT), multa na Dalawang Libo at Limang Daang Piso (₱2,500.00), pagpapalabas ng Closure Order, at rekomendasyon na magsampa ng civil action laban sa lumabag.

 

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1QfJ9nSFhX/

Skip to content