
PABATID SA PUBLIKO (June 17, 2021)
Hinihikayat ng Pamahalaang Bayan ng Mexico ang lahat ng mga mamamayan nito sa ilalim ng kategoryang A1 o mga frontliner na manggagawa sa mga pasilidad sa kalusugan, pambansa at lokal, pribado at publiko, mga propesyonal sa kalusugan, mga mag-aaral, aide sa pangangalaga, janitor, mga manggagawa sa kalusugan ng barangay, atbp. A2 o mga senior citizen na may edad na 60 taong gulang pataas, A3 o mga may kapansanan o kondisyong medikal at A4 o mga kabilang sa populasyon na nagtatrabaho at kinakailangan upang pisikal na mag-ulat sa kanilang tungkulin o trabaho na may edad labing walo (18) hanggang limamput siyam (59) na taong gulang.
Ang mga mamamayan sa ilalim ng mga nasabing kategorya (A1,A2,A3 at A4) ay pinapayuhan na magtungo sa kanikanilang mga “Barangay Hall” at magpalista ng kanilang pangalan upang mapasama sa listahan ng mga mababakunahan sa rollout ng pagbabakuna.