PABATID!
Bilang inyong Vice Mayor, tungkulin ko pong tiyakin na protektado kayo laban sa panlilinlang, lalo na pagdating sa pagbili ng lupa at pabahay, isang puhunan na pinaghihirapan ng bawat pamilya.
Dahil sa marami na pong natatanggap na reklamo ang aming opisina tungkol sa mga nagbebenta ng lupa na umano’y walang sapat na pahintulot, minabuti po ng inyong lingkod na direktang sumulat at magtanong sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) upang malinawan ang mga isyung ito.
Batay po sa opisyal na sagot ng DHSUD, ang PROEDGE REAL ESTATE PAMPANGA ay walang rehistro at lisensya, at ito po ay makikita sa certification na kanilang ini-issue.
Humingi rin po tayo ng opisyal na listahan ng mga subdivision at housing projects sa Bayan ng Mexico na may Certificate of Registration at License to Sell. Ipinayo po ng DHSUD na tingnan ang kanilang opisyal na online database, at kalakip po nito ang mga dokumentong nagmula mismo sa kanilang website. https://dhsud.gov.ph/list-of-license-to-sell/
Ginawa po natin ang hakbang na ito para magbigay ng malinaw at tamang impormasyon sa ating mga kababayan, upang makapagdesisyon po kayo nang may sapat na kaalaman at proteksyon.
PAALALA PO:
Bago po kayo bumili ng lupa o bahay, siguraduhing may rehistro at lisensya mula sa DHSUD. Huwag po tayong magpadala sa pangakong mura o madaling hulugan kung kapalit naman ay peligro sa inyong pinaghirapan.
Patuloy po tayong magsasaliksik, magtatanong at kikilos para sa kapakanan at proteksyon ng bawat Mexicano.
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1G1nE6Wmss/