Pagkakaisa at Serbisyo: Bagong Sigla para sa LMP Pampanga
Pagkakaisa at Serbisyo: Bagong Sigla para sa LMP Pampanga!
Matagumpay na isinagawa ng League of Municipalities in the Philippines (LMP) Pampanga Chapter ang halalan nito ngayong ika-13 ng Agosto, 2025 sa Sangguniang Panlalawigan Session Hall, SP Building, Capitol Compound, Brgy. Santo Niño, Lungsod ng San Fernando, Pampanga.
Dumalo sa nasabing pagtitipon ang mga punong bayan mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan upang maghalal ng bagong hanay ng mga opisyal ng chapter na mangunguna sa pagsusulong ng mas matibay na ugnayan sa pagitan ng mga bayan, pagpapabuti ng pamahalaang lokal, at pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan para sa kaunlaran ng Pampanga.
Pinangasiwaan ng Committee on Elections ang halalan upang matiyak ang patas at maayos na proseso. Matapos ang pagbibilang ng boto, ipinroklama ang mga sumusunod na nanalong opisyal:
• Pangulo: Hon. Oscar D. Tetangco, Jr. (Apalit)
• Pangalawang Pangulo sa Kabuuan / Executive Vice President: Hon. Eduardo G. Datu (Bacolor)
• Pangalawang Pangulo – Unang Distrito: Hon. Maria Lourdes P. Lacson (Magalang)
• Pangalawang Pangulo – Ikalawang Distrito: Hon. Jaime V. Capil (Porac)
• Pangalawang Pangulo – Ikatlong Distrito: Hon. Ferdinand P. Labung (Sta. Ana)
• Pangalawang Pangulo – Ikaapat na Distrito: Hon. Jayson S. Sagum (San Luis)
• Kalihim Panlahat / Secretary General: Hon. Rene E. Maglanque (Candaba)
• Ingat-Yaman / Treasurer: Hon. Esmeralda G. Pineda (Lubao)
• Auditor: Hon. Philip S. Naguit (Minalin)
• Tagapamahala sa Ugnayan / Public Relations Officer: Hon. Leonardo B. Flores (Macabebe)
Lupon ng mga Direktor / Board of Directors:
Hon. Johnny A. Sambo (Santo Tomas)
Hon. Michael L. Galang (Floridablanca)
Hon. Catalina B. Cabrera (Sasmuan)
Hon. Anthony Joseph S. Torres (Guagua)
Hon. Danilo S. Guintu (Masantol)
Hon. Abundio S. Punsalan, Jr. (San Simon)
Hon. Rodencio S. Gonzales (Mexico)
Hon. Reynan S. Calo (Sta. Rita)
Hon. Jeffrey M. Luriz (Arayat)
Nangako ang mga bagong halal na opisyal na paiigtingin ang pakikipag-ugnayan ng bawat bayan, magpapatupad ng mga makabago at kapaki-pakinabang na programa, at pananatilihin ang integridad at dedikasyon sa paglilingkod para sa mga Kapampangan.
Pinatibay ng aktibidad na ito ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga punong bayan ng Pampanga sa paghubog ng mga patakaran at programang mag-aambag sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng lalawigan.
#LMPPampanga
#DILGPampanga
#TatakManyaman
#TrestheBest
𝘚𝘦𝘳𝘣𝘪𝘴𝘺𝘶 𝘢𝘵 𝘓𝘶𝘨𝘶𝘥 𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘯𝘦 𝘒𝘢𝘱𝘢𝘮𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯!
Please click link for more information:
https://www.facebook.com/share/p/19nukKBrKn/