PAGKILALA SA GALING NG KABATAANG MEXICANO ππ΅π
Nakatanggap ng insentibo mula sa Lokal na Pamahalaan ng Mexico si Joaquin Fierre Manzon bilang pagkilala sa kanyang pagkamit ng 2nd Place sa Taiwan International Mental Arithmetic Mathematics and English Competition.
Pinangunahan ni Municipal Mayor Rodencio βRudingβ S. Gonzales ang pagbibigay ng insentibo bilang bahagi ng programa ng pamahalaang bayan na nagbibigay-pagkilala at suporta sa mga kabataang Mexicano na nagdadala ng karangalan sa bayan.
Ang nasabing programa ay isinasakatuparan sa pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico, sa pangunguna ni Mayor Ruding, kasama si Vice Mayor Doc Pangan at ang buong Sangguniang Bayan ng Mexico.
Patuloy namang isinusulong ni Mayor Ruding ang mga programang nagbibigay-suporta sa edukasyon at pagpapaunlad ng kabataan, bilang bahagi ng kanyang layunin na makahubog ng mas maraming kabataang Mexicano na may kakayahang magtagumpay at magbigay ng karangalan sa bayan sa pambansa at pandaigdigang antas.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1ahR1zjnfs/
Latest Stories

