Isang Certificate of Recognition mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Region III ang ipinagkaloob sa Lokal na Pamahalaan ng Mexico sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales matapos makamit ang High Compliance Rating sa ilalim ng 2024 Local Government Unit Compliance Assessment ng Manila Bay Clean-up, Rehabilitation and Preservation Program.
Ang naturang pagkilala ay personal na iniabot kay Mayor Ruding nina MENRO Engr. Arvin Siron at MLGOO Consesa Novio, bilang bahagi ng patuloy na pagsusuri at pagkilala sa mga lokal na pamahalaang may mataas na antas ng pagsunod sa mga pamantayan ng programa.
Ang parangal ay sumasalamin sa pagsisikap ng Pamahalaang Bayan ng Mexico sa pagpapatupad ng mga programang pangkalikasan at sa aktibong pakikilahok nito sa mga inisyatibang naglalayong mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran.



CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/14V7SGuik4B/