Paglilinis at Pagpapalalim ng mga Daluyan ng Tubig sa Barangay San Jose Matulid, Tuloy-Tuloy
Mas pinaigting ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico ang mga hakbang upang mapanatiling maayos ang mga daluyan ng tubig at mabawasan ang panganib ng pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bayan.
Kasalukuyang isinasagawa ang paglilinis at pagpapalalim ng mga daluyan ng tubig sa Barangay San Jose Matulid sa pangunguna nina Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales at Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan, katuwang ang buong Sangguniang Bayan.
Layunin ng proyektong ito na mapabilis ang pagdaloy ng tubig-ulan, maiwasan ang pagbabara sa mga sapa at kanal, at mapanatiling maayos ang suplay ng tubig para sa mga sakahan. Malaki rin ang inaasahang maitutulong nito sa pagprotekta sa mga komunidad at kabuhayan ng ating mga magsasaka, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.
Patunay ito ng patuloy na pagkilos ng administrasyon ni Mayor Ruding upang magpatupad ng mga proyektong tumutugon sa tunay na pangangailangan ng bawat barangay. Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba, higit na napapalakas ang paghahanda ng bayan laban sa pagbaha at napapangalagaan ang sektor ng agrikultura.
Patuloy ang serbisyo. Patuloy ang pagkilos. Patuloy ang pag-unlad ng Bayung Mexico.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1CZeytvPB4/