Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

PAGLILINIS AT PAGPAPALALIM NG SAPA SA BARANGAY BUENAVISTA, TULUY-TULOY ANG PAGKILOS

August 5, 2026
Patuloy ang pagpapatupad ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico ng mga proyektong nakatuon sa pagbawas ng panganib ng pagbaha at pangangalaga sa kabuhayan ng ating mga mamamayan at magsasaka.
Sa pangunguna nina Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales at Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan, kasama ang buong Sangguniang Bayan, isinasagawa ang paglilinis at pagpapalalim ng mga sapa sa Barangay Buenavista na matagal nang napuno ng makakapal na halaman, kawayan, at naipong basura na humahadlang sa maayos na pagdaloy ng tubig.
Sa pamamagitan ng proyektong ito, mas mapapabuti ang daloy ng tubig, mababawasan ang pagbaha sa panahon ng malalakas na pag-ulan, at mapapanatiling maayos ang mga daluyang nagsisilbi sa komunidad at mga kalapit na sakahan.
Patunay ito ng patuloy na dedikasyon ng administrasyon ni Mayor Ruding sa paghahatid ng mga serbisyong may pangmatagalang benepisyo, mga proyektong nagpoprotekta sa komunidad, nagpapalakas sa sektor ng agrikultura, at nagtataguyod ng mas maunlad na Bayung Mexico.
Patuloy ang serbisyo. Patuloy ang pagkilos. Patuloy ang pag-unlad ng Bayung Mexico.

Click here: https://www.facebook.com/share/p/1BsWqk1ovN/

Skip to content