Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

PAGLILINIS AT PAGPAPALALIM NG SAPA SA BARANGAY SAN ANTONIO, MALAPIT NANG MATAPOS

July 29, 2026

Malapit nang makumpleto ang paglilinis at pagpapalalim ng sapa mula Barangay San Antonio hanggang Barangay San Jose Matulid, isa sa mga proyektong isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico upang mabawasan ang panganib ng pagbaha at maprotektahan ang kabuhayan ng ating mga magsasaka.

Ang proyektong ito ay isinasagawa sa pangunguna nina Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales at Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan, kasama ang buong Sangguniang Bayan.

Sa oras na ganap itong makumpleto, mas mapapabuti ang daloy ng tubig, mababawasan ang pagbabara sa mga daluyan, at mas magiging epektibo ang irigasyon ng mga sakahan, lalo na ngayong panahon ng malalakas na pag-ulan.

Patunay ito ng patuloy na pagtutok ng administrasyon ni Mayor Ruding sa mga proyektong may pangmatagalang pakinabang para sa mga Mexicano—mga proyektong nagbibigay-proteksyon sa komunidad, sumusuporta sa sektor ng agrikultura, at nagtataguyod ng mas ligtas at mas maunlad na Bayung Mexico.

Patuloy ang serbisyo. Patuloy ang pagkilos. Patuloy ang pag-unlad ng Bayung Mexico.

#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1EKpAGPkEo/

Skip to content