Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

PAGLILINIS AT PAGPAPALALIM NG SAPA SA BARANGAY SAN ANTONIO, PATULOY NA ISINASAGAWA

July 25, 2026

Patuloy ang pagpapatupad ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico ng mga proyektong nakatuon sa pagbawas ng panganib ng pagbaha at pangangalaga sa kabuhayan ng ating mga magsasaka.

Sa kasalukuyan, isinasagawa ang paglilinis at pagpapalalim ng sapa sa Barangay San Antonio na umaabot hanggang Barangay San Jose Matulid sa pangunguna nina Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales at Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan, kasama ang buong Sangguniang Bayan.

Kapag natapos ang proyekto, mas mapapabuti ang pagdaloy ng tubig, mababawasan ang pagbabara sa mga daluyan, at magiging mas epektibo ang irigasyon ng mga sakahan, lalo na ngayong panahon ng malalakas na pag-ulan.

Ito ay bahagi ng patuloy na hangarin ng administrasyon ni Mayor Ruding na maghatid ng mga proyektong may konkretong epekto sa bawat barangay—mga proyektong nagpoprotekta sa komunidad, sumusuporta sa sektor ng agrikultura, at naglalatag ng mas matatag na kinabukasan para sa bawat Mexicano.

Patuloy ang serbisyo. Patuloy ang pagkilos. Patuloy ang pag-unlad ng Bayung Mexico.

#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1DRowNh4Ae/

Skip to content