Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

Pagpapalalim at Paglilinis ng Mga Daluyan ng Tubig sa Brgy. Tangle 

June 23, 2026

TAPOS NA | Pagpapalalim at Paglilinis ng Mga Daluyan ng Tubig sa Brgy. Tangle

Matagumpay nang natapos ang pagpapalalim at paglilinis ng mga daluyan ng tubig at sapa sa Barangay Tangle bilang bahagi ng patuloy na aksyon ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico para sa panahon ng tag-ulan.

Sa inisyatiba nina Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales at Vice Mayor Jonathan R. Pangan kasama ang mga miyembro ng Sanggunian, layunin ng gawaing ito na mapabuti ang daloy ng tubig, mabawasan ang panganib ng pagbaha, at mapanatiling ligtas ang mga komunidad lalo na sa panahon ng malalakas na pag-ulan.

Patuloy namang isinasagawa ang kahalintulad na mga gawain sa iba pang bahagi ng bayan upang matiyak na mas maraming komunidad ang magiging handa at ligtas laban sa mga epekto ng masamang panahon.

Kasabay nito, hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang bawat Mexicano na makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at wastong pagtatapon ng basura upang mapanatiling maayos at malinis ang mga daluyan ng tubig.

Sa Bayung Mexico, tuloy-tuloy ang mga konkretong hakbang tungo sa mas handa, mas ligtas, at mas maunlad na pamayanan para sa lahat.

#RSGCares
#SerbisyungAtinPuso
#BayungMexico

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1BQA79ArX6/

Skip to content