PAMAHALAANG LOKAL AT CSOS, NAGKAISA SA CSO CONFERENCE SA BAYAN NG MEXICO
PAMAHALAANG LOKAL AT CSOS, NAGKAISA SA CSO CONFERENCE SA BAYAN NG MEXICO
Ginanap ngayong araw ang Civil Society Organization (CSO) Conference sa Municipal Conference Hall ng Bayan ng Mexico, Pampanga bilang bahagi ng paghahanda para sa akreditasyon ng mga civil society organizations at pagpili ng mga kinatawan sa local special bodies.
Dumalo sa nasabing aktibidad si Municipal Vice-Mayor Jonathan R. Pangan kasama ang kinatawan ng Municipal Mayor na si Municipal Administrator Mr. Mark Nestor Pineda. Nakiisa rin sina Engr. Marlon Macabali, Municipal Planning and Development Coordinator (MPDC), at ang Municipal Agriculturist na si Mr. Lauly Pineda.
Pinangunahan ni LGOO VI Consensa M. Novio ang naturang conference na nagpatampok sa kahalagahan ng pakikipagtulungan sa pagitan ng pamahalaan at ng iba’t ibang sektor ng lipunan.
Sa kanyang maikling mensahe, sinabi ni Vice-Mayor Jonathan R. Pangan na ang pagtitipong ito ay patunay na kapag nagkakaisa ang pamahalaan at ang mga sektor ng lipunan, mas mabilis na natutugunan ang pangangailangan ng bayan. Hinihikayat rin niya ang lahat na patuloy na makipag-ugnayan, magbahagi ng kanilang mga ideya, at maging aktibong katuwang sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programang tunay na nakatutugon sa pangangailangan ng bayan ng Mexico.
Layon ng aktibidad na palakasin ang ugnayan ng pamahalaang lokal at mga civil society organizations upang masiguro ang mas inklusibo at epektibong pamamahala.
📸: Mariell Mercado
#TatakViceMayorDocPangan
#TapatAtSubukKingSerbisyu
#BayungMexico
Please click link for more information:
https://www.facebook.com/share/p/1LZtczG56b/