
“Pambansang Araw ng Pagbabakuna” | November 29 – December 1, 2021
Nakikiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Mexico, sa pangunguna ni Alkalde Teddy C. Tumang, sa pagsasagawa ng “Pambansang Araw ng Pagbabakuna” mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, 2021, alas otso ng umaga hanggang alas tres ng hapon, sa apat na piling lokasyon.Magkakaroon ng pagbabakuna ng unang dosis sa lahat ng mamamayan saan man ang pinanggagalingan.
Samantala, isang magandang balita naman sa mga nais ng magpa-BOOSTER shot ng Aztrazenica o ng Sinovac sa mga residente ng bayan ng Mexico, maaari ding magtungo sa mga vaccination site dala ang inyong vaccination card, booster vaccination form at kailangan may anim na buwan na ang nakalilipas mula ng ikaw ay tumanggap ng 2nd dose shot.
Basahin ang poster sa ibaba para sa iba pang mga importanteng detalye.
MAGPABAKUNA NA, MEXICANO!
#NationalVaccinationDay