PANUNUMPA NG MGA BAGONG HALAL NA OFFICERS NG OSCA
Pinangunahan ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang oathtaking ceremony ng mga bagong halal na Presidents at Vice Presidents ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) sa bawat barangay ng Bayan ng Mexico, Pampanga, na ginanap sa Mini Convention Center. Kasama ng alkalde sa makabuluhang pagtitipon si Councilor Ludet Sicat, bilang patunay ng patuloy na pagkakaisa at suporta ng pamahalaang lokal sa sektor ng mga nakatatanda.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Ruding ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagkakaisa sa loob ng organisasyon at ng pamahalaan. Hinikayat niya ang mga bagong halal na opisyal ng OSCA na isantabi muna ang pulitika at ituon ang kanilang lakas sa paglilingkod at pagtatrabaho para sa kapakanan ng mga senior citizens.
Ipinahayag rin ng alkalde na ang mga bagong opisyal ng OSCA ay mahalagang katuwang ng Ehekutibo at ng Sangguniang Bayan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga programang tutugon sa pangangailangan ng mga nakatatanda. Ayon kay Mayor Ruding, patuloy na pinag-uusapan at pinag-aaralan ng lokal na pamahalaan ang mga posibleng programa at benepisyong maaaring maibigay sa mga senior citizens, partikular na sa mga hindi pa nakatatanggap ng social pension buwan-buwan dahil sa limitasyon ng pondo.
Ang aktibong pakikibahagi ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales sa nasabing pagtitipon ay muling nagpapatunay ng kanyang malasakit at adbokasiya para sa dignidad, kapakanan, at kapakanan ng mga senior citizens, alinsunod sa temang “Embracing Age: Living a Life with Dignity and Purpose.”
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico










Click here: https://www.facebook.com/share/p/17w7qCdCF4/