PANUNUMPA NG MGA BAGONG SK CHAIRPERSON, PINANGUNAHAN NI MAYOR RUDING
Pormal na nanumpa ngayong araw kay Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang mga bagong Sangguniang Kabataan (SK) Chairpersons ng Barangay Sabanilla at Barangay San Nicolas na sina Alcheene C. Quiambao at Jamaica P. Panlilio.
Ang panunumpa ay isinagawa kasunod ng pagbibitiw sa puwesto ng mga dating SK Chairpersons ng nasabing barangay. Alinsunod sa SK Reform Act (Republic Act No. 10742), sina Quiambao at Panlilio—na parehong nahalal bilang First SK Kagawad noong 2023 Barangay and SK Elections (BSKE)—ang opisyal na humalili sa naturang posisyon.
Naging saksi sa oath-taking sina Barangay Sabanilla Chairman Godofredo Carreon at ang Sangguniang Barangay Council ng Barangay San Nicolas, gayundin si Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) Consesa Novio.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Ruding ang bigat ng responsibilidad na kaakibat ng kanilang bagong tungkulin at tiniyak ang buong suporta ng pamahalaang bayan sa kanilang mga programa at adhikain para sa kabataan. Kasabay nito, mariin niyang ipinaalala na hindi siya kailanman didikta o manghihimasok sa pulitika ng sinuman, bilang paggalang sa kalayaan at integridad ng bawat lingkod-bayan sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Ang panunumpang ito ay patunay ng patuloy na pagsusulong ng administrasyon ni Mayor Ruding ng isang bukas, makatarungan, at makabuluhang pamamahala, lalo na sa pagbibigay-lakas sa kabataang lider upang maging katuwang sa pag-unlad ng Bayan ng Mexico.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico









Click here: https://www.facebook.com/share/p/1BAkHoy6Eq/