PARA SA KAALAMAN NG LAHAT
Alinsunod sa Municipal Ordinance No. 018-A-2025 at Municipal Ordinance No. 035-2017, ang mga sumusunod na gawain ay mahigpit na ipinagbabawal:
-
Ang pagtatapon, paghahagis, o pag-iwan ng anumang uri ng basura sa mga pampublikong lugar tulad ng mga kalsada, bangketa, kanal, estero, parke, at mga establisimyento, o ang pagpapahintulot sa paggawa nito.
-
Ang pagsusunog ng solid waste o basura (open burning).
-
Ang paglalabas ng basura sa harap o gilid ng mga tahanan, negosyo, o anumang bahagi ng kalsada bago dumating ang awtorisadong garbage collection truck ng munisipyo. Ang lahat ng basura ay dapat ilagay sa maayos na nakasarang lalagyan o selyadong plastic bag at ilabas lamang sa oras ng pagdating ng awtorisadong truck ng pangongolekta ng basura.
MGA PARUSA
A. Para sa Paglabag sa Unang Ipinagbabawal na Gawain
Ang sinumang lalabag ay papatawan ng:
-
Multang Limang Daang Piso (₱500.00) o isang (1) araw na community service.
Kung hindi mababayaran ang administratibong multa, matapos ang hatol ng hukuman, ang lumabag ay papatawan ng:
-
Multang Isang Libong Piso (₱1,000.00) o pagkakakulong ng tatlo (3) hanggang pitong (7) araw, o parehong multa at pagkakakulong, ayon sa pagpapasya ng hukuman.
B. Para sa Paglabag sa Ikalawang Ipinagbabawal na Gawain
Ang sinumang lalabag ay papatawan ng:
-
Multang hindi bababa sa Limang Daang Piso (₱500.00) ngunit hindi hihigit sa Isang Libo at Limang Daang Piso (₱1,500.00) o pagkakakulong ng hindi bababa sa isang (1) araw ngunit hindi hihigit sa labinlimang (15) araw, o parehong multa at pagkakakulong, ayon sa pagpapasya ng hukuman.
C. Para sa Paglabag sa Ikatlong Ipinagbabawal na Gawain
Ang sinumang lalabag ay papatawan ng:
-
Multang Limang Daang Piso (₱500.00) o isang (1) araw na community service.
Kung hindi mababayaran ang administratibong multa, matapos ang hatol ng hukuman, ang lumabag ay papatawan ng:
-
Multang Isang Libong Piso (₱1,000.00) o pagkakakulong ng tatlo (3) hanggang pitong (7) araw, o parehong multa at pagkakakulong, ayon sa pagpapasya ng hukuman.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/19gLmCDoRs/