Ngayong linggo, natapos na po ang paglilinis sa sapa ng Barangay San Vicente, at kasalukuyan naman pong sinisimulan ang paglilinis sa sapa ng Barangay Santa Cruz kung saan marami ring nakalap na basura.
Paalala po sa ating mga kababayang Mexicanos: panatilihin po natin ang disiplina sa tamang pagtatapon ng basura. Iwasan po nating ihulog ito sa mga sapa o kung saan-saan. Ang simpleng paglalagay ng basura sa tamang lalagyan ay malaking tulong upang maiwasan ang pagbabara ng daloy ng tubig at mabilisang pagbaha, lalo na sa panahon ng pag-ulan.
Magkaisa po tayo para sa isang mas malinis at mas ligtas na kapaligiran.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.



CLICK HERE:
https://www.facebook.com/share/p/1MXBHm9LRq/