Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

PARA SA TRANSPARENCY: MALINAW NA DETALYE NG AYUDA SA BIGAS

September 2, 2026
Bilang bahagi ng ating paninindigan sa transparency at accountability, nais ipabatid ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico, sa pangunguna ni Mayor Ruding Santos Gonzales, katuwang si Vice-Mayor Doc Pangan at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, ang malinaw na detalye ng dalawang magkahiwalay na alokasyon ng bigas para sa ating mga kababayan.
5 KILONG BIGAS — 48,000 KABAHAYAN
Nasa 48,000 kabahayan ang target na makatanggap ng tig-5 kilo ng bigas mula sa Quick Response Fund (Calamity Fund) ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico.
10 KILONG BIGAS — 4,000 ALOKASYON
Mayroon ding 4,000 alokasyon ng tig-10 kilong bigas na inilaan bago pa man dumating ang bagyo at lumakas ang Habagat. Ang pondong ito ay mula sa Local Government Support Fund (LGSF) 2026 Program – Financial Assistance to Local Government Units (FALGU), sa ilalim ng Rice Distribution Project.
Ang naturang alokasyon ay nakalaan para sa vulnerable sectors at iba pang prayoridad na benepisyaryo, at ito ang unang wave ng pamamahagi mula sa programang ito.
Magkaiba ang dalawang alokasyon, magkaiba ang pinagmumulan ng pondo, at may kanya-kanyang target na benepisyaryo.
Ibinabahagi ang mga detalyeng ito upang maging malinaw sa publiko kung saan nagmumula ang bawat alokasyon, gaano karami ang nakalaan, at kung sino ang target na benepisyaryo.
Ito ang ating paninindigan: malinaw na impormasyon, maayos na proseso, at pananagutan sa bawat serbisyong ipinagkakaloob sa mga Mexicano.
Skip to content