Ngayong araw, personal nating ininspeksyon ang Mexico Public Market na malapit na muling magbukas para sa ating mga vendors at mamimili. Mas inayos at pinaganda ang mga stalls upang maging mas maayos, ligtas, at komportable ang pamimili. Bukod dito, mayroon na ring elevator ang palengke para mas maging accessible sa lahat. Matatagpuan din sa ikatlong palapag ang Mexico Center for Children with Special Needs na magsisilbing karagdagang serbisyo para sa ating bayan.
Hindi rin maisasakatuparan ang proyektong ito kung wala ang mahalagang suporta nina dating Senior Deputy Speaker at Congressman Aurelio “Dong” Gonzales, Congresswoman Mica Gonzales, at Board Member MyMy Gonzales. Gayundin ang suporta ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan.
Humihingi po tayo ng paumanhin sa naging abala dulot ng pagkaantala, at taos-puso ang ating pasasalamat sa inyong pag-unawa at patuloy na suporta.
Konting tiis na lang, mga Mexicano, malapit na itong muling magsilbi sa inyo!
#RSGCares
#BayungMexico
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1Ay9Y6AdEv/