Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

Patuloy ang Pagpapalalim at Paglilinis ng Sapa sa Pagitan ng Barangay San Carlos at Barangay Parian

July 6, 2026
Sa ilalim ng pamumuno ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, patuloy na isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico ang mga proyektong nagbibigay ng pangmatagalang solusyon para sa kapakanan ng bawat Mexicano. Isa rito ang patuloy na paglilinis at pagpapalalim ng mga daluyan ng tubig at sapa sa buong bayan ng Mexico at ngayo’y sa Barangay San Patricio upang mapanatiling maayos ang daloy ng tubig at mabawasan ang panganib ng pagbaha.
Sa walang sawang suporta ni Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan at ng Sangguniang Bayan, pinagtitibay ng administrasyon ni Mayor Ruding ang mga programang nagpoprotekta sa kabuhayan ng ating mga magsasaka at nagpapatatag sa kahandaan ng komunidad, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.
Sa Bayung Mexico, ang serbisyong may puso ay nakikita sa mga konkretong aksyon dahil para kay Mayor Ruding, ang tunay na serbisyo ay hindi naghihintay ng sakuna bago kumilos.

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1923hbVmje/

Skip to content