Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

Patuloy ang Pagpapalalim at Paglilinis ng Sapa sa Pagitan ng Barangay San Carlos at Barangay Parian

July 6, 2026

Sa ilalim ng pamumuno ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, katuwang si Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan at ang Sangguniang Bayan, patuloy na isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico ang mga proyektong nagbibigay ng pangmatagalang solusyon para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat Mexicano.

Kasalukuyang isinasagawa ang pagpapalalim at paglilinis ng sapa sa pagitan ng Barangay San Carlos at Barangay Parian upang mapabuti ang daloy ng tubig, makatulong sa pag-iwas sa pagbaha, at maprotektahan ang kabuhayan ng ating mga residente at mga magsasaka.

Sa Bayung Mexico, ang tunay na serbisyo ay nasusukat sa mga konkretong aksyon. Patuloy na kumikilos ang administrasyon ni Mayor Ruding, kasama si Vice Mayor Doc Pangan at ang Sangguniang Bayan, upang makapaghatid ng mas ligtas, mas handa, at mas maunlad na pamayanan.

#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1YRNevdWSa/

Skip to content