Patuloy na naghahatid ng serbisyong may puso at ngiting nagbibigay-inspirasyon si Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales sa bawat Mexicano.
August 6, 2026
Mula sa pangunguna sa mahahalagang pagpupulong hanggang sa pagtanggap ng mga bisita at katuwang mula sa iba’t ibang sektor, patuloy na ipinakikita ni Mayor Ruding ang isang bukas, maayos, at inklusibong pamamahala, isang administrasyong handang makinig, makipagtulungan, at kumilos para sa kapakanan ng bawat mamamayan.