PATULOY NA PAGHAHANDA PARA SA LIGTAS AT MAAYOS NA KOMUNIDAD π§οΈππ§
PATULOY NA PAGHAHANDA PARA SA LIGTAS AT MAAYOS NA KOMUNIDAD π§οΈππ§
Bilang bahagi ng patuloy na programa ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico sa ilalim ng pamumuno ni Municipal Mayor Rodencio βRudingβ S. Gonzales, isinasagawa ang pagpapalalim at paglilinis ng mga daluyan ng tubig sa Barangay Tangle upang mapabuti ang daloy ng tubig at matiyak ang kahandaan ng komunidad sa nalalapit na tag-ulan.
Layunin ng gawaing ito na mabawasan ang panganib ng pagbaha, maiwasan ang pagbara ng mga daluyan, at mapanatiling maayos ang pagdaloy ng tubig lalo na sa mga lugar na madalas maapektuhan ng malalakas na pag-ulan.
Kasabay nito, hinihikayat ni Mayor Ruding ang bawat Mexicano na makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan sa pamamagitan ng wastong pagtatapon ng basura upang hindi masayang ang mga pagsisikap na mapanatiling ligtas at maayos ang ating kapaligiran.
Sa Bayung Mexico, patuloy ang mga konkretong hakbang tungo sa mas handa, mas ligtas, at mas maunlad na pamayanan para sa lahat.
Mas malalim na daluyan, mas ligtas na komunidad, at mas handang Bayung Mexico.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1BmjtkxqPS/
Latest Stories




