Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

PATULOY NA PAGPAPALAKAS SA DALUYAN NG TUBIG PARA SA KABUHAYAN AT KAHANDAAN

May 27, 2026

Sa patuloy na inisyatibo ng Pamahalaang Bayan sa ilalim ng pamumuno ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, isinasagawa ang paglilinis at pagpapalalim ng mga sapa at daluyan ng tubig sa Barangay San Rafael upang masiguro ang maayos na daloy ng irigasyon para sa ating mga magsasaka, habang sabay na inihahanda ang mga ito sa paparating na tag-ulan upang maiwasan ang pagbaha at pagbara ng tubig.
Kasabay ng mga proyektong ito, muling pinaaalalahanan ni Mayor Ruding ang bawat Mexicano na maging disiplinado sa tamang pagtatapon ng basura, upang mapanatiling malinis ang mga kanal, sapa, at daluyan ng tubig na mahalaga hindi lamang sa agrikultura kundi pati sa kaligtasan ng ating mga komunidad.
Sa pamumuno ni Mayor Ruding, patuloy ang konkretong aksyon para sa kapakanan ng mga magsasaka at para sa mas ligtas at maayos na kapaligiran ng buong bayan.
Mas maayos na daluyan, mas handang komunidad, at mas maunlad na Bayung Mexico.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/17hhTGfssA/

Skip to content