PATULOY NA SUPORTA NI MAYOR RUDING SA MGA LIGANG PANGKABATAAN
SPORTS | Nakiisa si Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales sa opening ceremony ng Basketball League sa Barangay Dolores Piring nitong Linggo, Hulyo 19, 2026, bilang pagpapakita ng kanyang patuloy na suporta sa kabataang Mexicano at sa mga programang pang-sports.
Kasama sina Councilor Engr. Tristar Sotto at Mr. Bunny Bautista, hinikayat ni Mayor Ruding ang mga manlalaro na pairalin ang disiplina, respeto, at sportsmanship sa bawat laban.
Bilang dagdag na suporta, personal na nagkaloob si Mayor Ruding ng tulong para sa liga at namahagi ng papremyo sa bawat koponan at kanilang mga muse bilang bahagi ng matagumpay na pagbubukas ng palaro.
Samantala, nagpaabot din si Mayor Ruding ng suporta sa pagbubukas ng Basketball League sa Barangay Concepcion sa pamamagitan ng ipinadalang tulong para sa liga, bilang patunay ng kanyang patuloy na pagsuporta sa mga programang pangkabataan at pampalakasan sa iba’t ibang barangay ng Mexico.
Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Mexico, sa pangunguna ni Mayor Ruding, ang mga inisyatibong nagbibigay ng mas maraming oportunidad sa kabataang Mexicano na mapaunlad ang kanilang talento, mapalakas ang pagkakaisa, at mahubog ang kanilang disiplina sa pamamagitan ng sports.
#RSGCares
#BayungMexico
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/18ecKdr22h/








