PELCO 1 OFFICIALS, NAG-COURTESY VISIT KAY MAYOR RUDING; SPAGHETTI WIRES AT MGA ISYU SA KURYENTE, TINALAKAY
Nagsagawa ng courtesy visit kay Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang mga opisyal ng Pampanga I Electric Cooperative, Inc. (PELCO 1) na pinangunahan nina General Manager Engr. Allan E. David, Board President Emmanuel R. Manalo (Board Representative ng Mexico), Board Vice President Engr. Renrex L. Sagum (Board Representative ng San Luis), Darin B. Santiago (Board Representative ng Arayat), Jayson B. Supan (Board Representative ng Magalang), Engr. Russel John Sigua (Board Representative ng Sta. Ana), at Elizabeth R. Sevilla (Board Representative ng Candaba).
Kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan, tinalakay ang mahahalagang usapin hinggil sa serbisyo ng kuryente sa Bayan ng Mexico.
Isa sa mga pangunahing napag-usapan ang problema ng spaghetti wires sa iba’t ibang lugar sa bayan. Iginiit ni Mayor Ruding ang pangangailangang magkaroon ng konkretong plano at mas matibay na koordinasyon upang maayos ang mga nakabiting kable na nagdudulot ng panganib sa publiko at nakaaapekto sa kaayusan ng mga lansangan.
Tinalakay rin ang usapin sa presyo ng kuryente at mga electric bill ng mga consumer. Binigyang-diin ni Mayor Ruding na mahalagang magkaroon ng public hearing para sa mga Mexicano upang maipaliwanag ng PELCO 1 ang sistema ng electric billing, mga singil, at iba pang kaugnay na usapin upang maging mas malinaw at higit na maunawaan ng publiko.
Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Mexico ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya at institusyon upang matugunan ang mga suliraning direktang nakaaapekto sa kapakanan ng bawat Mexicano, alinsunod sa layunin ng administrasyong Bayung Mexico na maghatid ng mahusay, tapat, at makataong serbisyo.
#RSGCares
#BayungMexico
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1C1ra6suT1/