PERMIT NG SAMYOUNG GLOBAL CORP., HINDI REHISTRADO BILANG TOBACCO MANUFACTURER: MEXICO LGU
Ipinakita ni Mexico Mayor Ruding Gonzales ang mga dokumentong hawak ng lokal na pamahalaan kaugnay ng Samyoung Global Corporation. Ang kumpanya ang lessor o nagparenta ng lupang kinatatayuan ng pabrikang ni-raid ng mga otoridad kamakailan dahil sa umano’y illegal manufacturing ng sigarilyo sa Barangay Panipuan.
Ayon sa alkalde, ang permit na inilabas ng LGU sa Samyoung ay may deklaradong nature of business na “wholesale,” kabilang ang importation of products, at hindi manufacturing ng sigarilyo. Aniya, mula 2008 hanggang 2025, regular na nakakuha ng permit ang naturang kumpanya batay sa impormasyong isinumite nito sa LGU.
Ipinakita rin ni Gonzales ang inspection report ng Bureau of Fire Protection noong October 2025, kung saan lumalabas na sa isinagawang site inspection ay wala pang nakitang kontrabando o indikasyon ng ilegal na operasyon sa nasabing lugar.
Nilinaw ng alkalde na bukas ang LGU sa anumang imbestigasyon, lalo na kung itutulak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pag-usisa sa accountability ng lokal na pamahalaan kaugnay ng kontrobersyal na kaso ng ilegal na pagawaan ng sigarilyo. Aniya, handa silang makipagtulungan upang malinawan ang isyu at matukoy ang mga dapat managot. | via Paulo Gee Santos, CLTV36 News
#CLTV36News #CLTV36NewsBites
#CLTV36NewsDigital
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1AXmqR1774/



Latest Stories
𝗔𝗚𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗗𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗡 𝗟𝗢𝗥𝗘𝗡𝗭𝗢