PMAJ. MANALASTAS NAGSAGAWA NG COURTESY VISIT KAY MAYOR RODENCIO “RUDING” S. GONZALES
July 14, 2026
Nagsagawa ng courtesy visit ngayong araw, July 13, 2026, kay Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales si PMAJ. Fernando Sombillo Manalastas, Officer-in-Charge ng Second Provincial Mobile Force Company (2nd PMFC), bilang bahagi ng pagpapatibay ng ugnayan at koordinasyon sa pagitan ng Philippine National Police at ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico.
Kasama ni PMAJ. Manalastas sa pagbisita si Mexico Municipal Police Station Chief of Police PLTCOL Julius Javier. Tinalakay sa kanilang pagpupulong ang patuloy na pagtutulungan upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mga mamamayan ng Bayan ng Mexico.
#RSGCares
#BayungMexico