Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

Pormal na binasbasan ang mga bagong sasakyan ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico sa pangunguna ni Rev. Fr. John Lu

February 9, 2026

BASAHIN | Pormal na binasbasan ang mga bagong sasakyan ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico sa pangunguna ni Rev. Fr. John Lu Nucum bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng administrasyon ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales na paigtingin ang kahusayan at kakayahan ng pamahalaan sa paghahatid ng serbisyong publiko.

Ang mga nasabing sasakyan ay inilaan para sa Municipal Treasurer’s Office, Municipal General Services Office, Municipal Environment and Natural Resources Office, at Office of the Municipal Vice Mayor, na inaasahang magpapabilis sa operasyon ng mga tanggapan at magpapahusay sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga Mexicano.

Sa nasabing gawain, kinatawan ni Municipal Administrator Engr. Nestor S. Pineda si Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, kasama ang ilang section at department heads. Dumalo rin ang mga staff ng Office of the Municipal Vice Mayor bilang representasyon ni Vice Mayor Dr. Jonathan Pangan.

Ang blessing ng mga bagong service vehicles ay sumasalamin sa malinaw na direksyon ng pamahalaang lokal sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Ruding Gonzales, isang pamahalaang patuloy na namumuhunan sa mga kagamitang magpapalakas sa kakayahan ng mga tanggapan at magtitiyak ng episyente, responsable, at makabuluhang serbisyo para sa bawat Mexicano.

#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1HBh2NDNUN/

Skip to content