
Pormal ng inilunsad ngayong araw ang pagbabakuna sa mga bata edad 5 hanggang 11 sa Lokal na Pamahalaan ng Mexico
Ang bayan ng Mexico ay ang kauna-unahang bayan sa buong Pampanga na nakapagsagawa na nitong Resbakuna Kids: The Vaccination Program. Ito ay ginanap sa SM Event Center, SM Pampanga na dinaluhan ng mga panauhin tulad nina Dr. Corazon I. Flores (Regional Director, DOH Reg.III), Dr. Monserrat S. Chichioco (JBLMRH Medical Director), Dr. Zenon V. Ponce (OIC-PHO) at Engr. Junias Eusebio (Asst. VP- North Region, SM Supermalls.
Masayang binati ni Mayor Teddy C. Tumang ang mga bata at mga magulang sa pagsuporta sa programang ito. Hinikayat nya ang iba pang mga magulang na ipabakuna na rin ang kanilang mga anak sapagkat dumaan naman sa masusing pag-aaral ang gamot na gagamitin at ito ay upang magbigay ng proteksyon sa mga bata laban sa COVID-19. Taos puso nya ring pinasalamatan ang Mexico Vaccination Team sa kanilang dedikasyon sa sinumpaang tungkulin.
Pormal namang inanunsyo ni Dr. Hilario James Cunanan (Medical Director, MCH) ang ceremonial vaccination ng tatlong mga bata. Samantalang nagsilbi namang Master of Ceremony ang Mexico Tourism Officer na si Mike G. Castañeda.