Sa pamumuno ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, ipinapaalam ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico na ang Mexico Cup Basketball League 2026 ay pansamantalang ikinakansela bilang bahagi ng mga hakbang upang tumugon sa kasalukuyang krisis sa enerhiya.
Ang hakbang na ito ay nakaangkla sa Executive Order No. 110 na inilabas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., na nagdedeklara ng State of National Energy Emergency, kung saan binibigyang-diin ang pangangailangan ng agarang pagtitipid at maayos na pamamahala sa suplay ng enerhiya sa buong bansa.
Layunin ng desisyong ito na matiyak ang patuloy na paghahatid ng mahahalagang serbisyong publiko at ang mas maayos na paggamit ng limitadong rekurso ng kuryente sa kasalukuyang sitwasyon.
Hinihiling ang pang-unawa, pakikiisa, at patuloy na kooperasyon ng lahat ng Mexicano.
Maraming salamat po.
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/18A5ukZZa9/